Ex-BF ng aktres, dedma… KRISTOFFER, 'DI BINATI SI JOYCE NA IKAKASAL NA

Nitz Miralles / BIDA

BINASA namin ang mga pangalan ng mga nag-congratulate kay Joyce Ching dahil engaged na siya kay Kevin Alimon na isang video director. Wala ang pangalan ng ex-BF niyang si Kristoffer Martin na kahit hiwalay na sila, friend pa rin niya at ka-batch pa sa Tweenhearts.
Sina Barbie Forteza, Bea Binene at Derrick Monasterio lang sa Tweenhearts ang nag-congratulate kay Joyce at si Bea nga, hindi makapaniwala. Nag-congratulate rin sina Marian Rivera, Carla Abellana, Bianca Umali, Rodjun Cruz, Sofia Andres, Thea Tolentino, Gabbi Garcia, at Sheena Halili na nag-comment ng “Welcome to the club” dahil engaged na rin siya.
Comment ni Director Gina Alajar, “Ano ba!!! Tweens lang ikaw dati! Now engaged!!! What can I say but I am happy for you Joyce! He is a blessed man to have you... Congratulations my dear!”
Si Direk Gina ang director ng Tweenhearts, idol ni Joyce at isa sa mga dahilan kung bakit Film ang kinuha niyang kurso sa MINT College kung saan graduate na siya.
Plano ni Joyce na magdirek muna ng mga short films habang wala pang project. Pero tuloy siya sa pag-aartista at masaya na kasama sa cast ng Dragon Lady.
Excited at natsa-challenge si Joyce sa role niyang kontrabida kay Janine Gutierrez dahil first time niyang gumanap na mature kontrabida. Gagampanan niya ang role ni Astrid Chua na aapi kay Janine.





Comments