8 Chinese tiklo sa online pasugalan

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Unit (NCRPO-RSOU), Bureau of Immigration (BI) at Makati City Police ang isang bahay sa Bgy. San Lorenzo, Makati kung saan walong Chinese nationals ang hinuli kabilang ang isang babae nitong Huwebes ng gabi.
Sa pamamagitan ng search warrant, hinuli ang walong suspek na sina Li, Chenchen, Hong, Yu, Li Huimin, Cai, Jian, Lei Chijin, Xiong, Yaowli, Lin Yufei, Peng Cun, pawang nasa hustong gulang.
Base sa isinumiteng ulat ni NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar, sinalakay ang bahay ng mga suspek sa Briones St. alas-10:00 ng gabi.
Nakatanggap sila ng impormasyon na may nagaganap na online illegal gambling sa bahay ng mga suspek.
Nakuha sa operasyon ang pasaporte ng mga suspek, computer at laptop na ginagamit sa kanilang operasyon.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Cyber Crime Prevention Act at posibleng isailalim sa deportation proceedings ng BI.





Comments