top of page

Solusyon sa pang-aabusong seksuwal | Mga pari payagan nang mag-asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2019
  • 2 min read

TAMA si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nito noong isang araw na matitigil lang umano ang mga pang-aabusong seksuwal ng mga paring Katoliko kung hahayaan na lang sila ng Simbahan na mag-asawa.

Hindi ipinaliwanag ni P-Duterte ang opinyon niya, pero batay sa siyensiya, susunod lang sa udyok na kumain kung wala nang laman ang tiyan tulad ng pagnanais na pang­seksuwal ito ay hindi napipigilan sa tao.

Noong unang panahon, kung hindi mag­tatalik ang mga tao, eh, hindi lalago ang po­pulasyon at maglalaho na lang ang sangka­tauhan.

Kaya kung napakalakas na udyok ng pa­kikipagtalik, mahirap ang ginagawa ng mga paring Katoliko na hindi pakikipagtalik at pag-aasawa.

Iilan lang ang mga relihiyong nagbabawal sa pagtatalik at kasal sa mga pari nila.

Ang Simbahang-Prostestanteng Kristiya­no tulad ng Iglesia ni Cristo at Sabadista, hindi ipinagbabawal ang pag-aasawa sa mga pari nila, gayundin sa mga Muslim.

Alam nating natural lang ang pakikipagta­lik at pagpapakasal kaya kung ipagbabawal ito, malamang na masira ang ulo ng kaparian sa kanilang relihiyon at ‘yun, sikreto na lang silang makikipagtalik o gagawa ng mga pang-aabuso.

Bakit pinagbabawalan ng Sim­bahang-Katolika na magpakasal at makipag­talik ang kanilang mga pari?

Sa totoo lang, noong unang mga siglo ng Kris­tiyanismo, hindi bawal ang pag-aasawa at pakikipagtalik at noon 1139 lamang ito ipi­nagbawal.

Bakit? Noong mga panahong ‘yun, ma­kapangyarihan ang Simbahang-Katolika sa Europa. Hindi ka magiging pari kung hindi sila babasbasan ng Santo Papa.

Sa madaling salita, dalawa ang malaking puwersang pampolitika sa Europa noon: Ang Kaharian at ang Simbahan.

Ayon sa mga pananaliksik, pinagbawalan ng Simbahan ang mga pari na magpakasal dahil nais nitong ipakita sa madla na iba sila sa mga hari at may kagitingan (nobilita) sila dahil hindi sila nakipagtalik at nagpakasal — tulad daw ni HesuKristo.

Isa pang dahilan, napakalaking proble­ma ang mangyayari kapag ang pari ay nagpaka­sal at nagkaroon ng anak.

Kung Obispo o Kardinal ang may anak, malaki ang posibilidad na maging pari rin ito na napupunta agad sa luklok ng Simbahan — tunay na makagugulo sa Simbahan.

Mayroong mga nagsasabing may mga taong hindi naman pari, pero hindi nakikipag­talik at hindi rin nagpapakasal, pero hindi naman sila nang-aabusong-seksuwal, lalo na sa mga bata.

Nangyayari ang seksuwal na pang-aabuso ng mga pari dahil madali nilang magawa ito habang nasa poder sila.

Ito ay dahil sa nagdaang napakaraming siglo na naniniwala ang mga tao na ang pari ay sugo ng Diyos at hindi maaaring gumawa ng makamundong bagay.

Kaya kahit nalilito ay hindi malabanan ng mga biktima ang pang-aabuso ng mga pari kaya ngayon lang lumalabas ang mga balitang pang-aabusong-seksuwal ng mga pari na ma­raming taon nang nakalilipas.

Sa bayan natin, tiyak ng naging grabe ang pang-aabusong pangseksuwal ng mga pari na mayroon pa tayong salita para sa mga naging anak nila: Anak-pari, pero kakaunti o wala pang nakukulong na pari na umabusong pang-seksuwal ng mga bata.

Harinawa, tumapang ang mga Pinoy na naabuso ng mga pari, lalo na at mismong pa­ngulo natin ay alam na ang ganitong mga pang­yayari kaya gustung-gusto niyang bigyan ito ng hustisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page