top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Q’FINALS SLOT, PIPILITIN NG GILAS SA FIBA WORLD CUP

  • Alvin Olivar
  • Mar 1, 2019
  • 2 min read

HANGAD ng pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na makaabanse sa second round ng FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Sa isang press conference kahapon na ginanap sa opisina ng Meralco, sinabi ni SBP president Al Panlilio na gusto niyang makabuo ng koponan na ang layunin ay lumagpas sa group stage ng torneo. Tatlumpu’t dala­wang koponan ang lalahok sa FIBA World Cup at ito ay igu-grupo sa walo. Ang dalawang koponan na may pinakamagandang kartada sa bawat grupo ay aabanse sa second round. Walo sa mga ito ay tutungo naman sa quar­terfinals para simulan ang knockout stage ng kompe­tisyon. “Last World Cup, we won one game. It’s a group of four teams. If we win two games, that will get you to the next round. Our objective is to do better than the last World Cup which means if we can double the wins from the last World Cup, that gives us a chance to go to the next round,” saad ni Panlilio.

Gaganapin sa Marso 16 ang draw para sa FIBA Basketball World Cup kung saan malalaman kung sino ang magiging kagrupo ng Gilas Pilipinas at iba pang mga koponan na kasali sa torneo.

Nang siya’y tanungin kung gusto niyang makasama sa grupo ang Team USA, sinabi ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na mas pipiliin pa rin niya na maka­sama sa grupo na may pag-asang umabanse sa susunod na round. “Gusto ko meron tayong realistic chance na makatsamba sa grupo natin. Pero kung nandiyan sila, wala tayong magagawa. Pero mas gusto ko yung may realistic chance na matsam­bahan,” wika ni Guiao.

Nagpasalamat naman si Guiao sa lahat nang naging parte ng Gilas Pilipinas sa qualifiers kasama na rito si dating head coach na si Chot Reyes na nagsimula sa kampanya ng koponan. “We are just following the lead. We want to thank boss Al (Panlilio) for the support, to the PBA and to the board for coming to the rescue,” ani Guiao. Samantala, inamin kaha­pon ng PBA na mali ang tinawag na offensive foul laban kay Sean Anthony ng NorthPort sa huling saglit ng laro ng Batang Pier kontra sa Phoenix Pulse noong Miyer­kules sa Smart-Araneta Coliseum.

Nabalot ng kontrobersya ang panalo ng Phoenix Pulse kontra sa NorthPort kung saan nakabuslo ng tres si Anthony may 47.8 seconds ang nalalabi sa laro. Ngunit sa kinagulat ng karamihan ay natawagan ito ng offensive foul matapos matumba si Justin Chua matapos itong tangkaing supalpalin ang tres ni Anthony. Nagwagi ang Phoenix Pulse, 98-96, sa pamama­gitan ng two free throws ni Jason Perkins. Naglabas ng statement ang PBA kahapon at inamin ng liga ang pagkakamali mata­pos ang review ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page