Mula sinapupunan hanggang sa paglaki raw niya, mamsh! SUPPLEMENT NA GOOD PARA SA HEALTH NINA MOMMY A
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 2 min read

INIREREKOMENDA ng mga doktor sa mga soon-to-be mom ang pag-inom ng mga supplement para magkaroon ng healthy pregnancy. True naman ‘yun, pero mga mamshie, knows ba ninyo na mayroong supplement na hindi lamang sa pagbubuntis nakatutulong kundi hanggang sa paglaki ni baby? Wow!
Ayon sa pag-aaral, ang mga buntis na umiinom ng daily supplement, partikular ang fish oil ay nakatutulong upang makaiwas sa high blood pressure ang kanyang anak.
Ang supplement ay tinatawag na DHA o docosahexaenoic acid na napabibilang sa Omega-3 acid. Gayundin, ang DHA ay natatagpuan sa mga seafood tulad ng tawilis, talaba at roe o itlog ng isda. Ang salmon ay mayroong 2,477mg kada 6oz ng fillet, ang tuna ay may 1940mg kada 6oz ng fillet habang ang Atlantic cod ay may 277mg kada 6oz ng fillet.
Samantala, ang pag-aaral ay isinagawa noong March 2006 sa University of Kansas Medical Center Maternal and Child Nutrition and Development Lab.
Upang isagawa ang pag-aaral, hinati sa dalawang grupo ang mga buntis na kalahok kung saan ang unang grupo ay umiinom ng 600mg ng DHA kada araw habang ang ikalawang grupo ay uminom lamang ng placebo.
Pagkatapos manganak ng mga kalahok, sumunod na sinuri ng mga researcher ang blood pressure ng 171 kabataan na na-diagnosed na obese sa edad 4 hanggang 6.
Dito napag-alaman ng mga researcher na ang mga bata mula sa placebo group ay mayroong mataas na blood pressure kumpara sa mga anak ng grupong uminom ng DHA noong sila ay nasa sinapupunan pa lamang.
Gayundin, ang mga anak ng kalahok mula sa DHA group na obese ay hindi nakaranas ng systolic blood pressure at diastolic blood pressure.
Ito ay dahil ayon sa mga researcher, ang DHA at eicosapentaenoic acid mula sa fish oil ay nakapagpapababa ng blood pressure sa mga bata at matanda.
Bukod pa rito, mayroon pang ibang benepisyo ang DHA tulad ng mababang tsansa na magkaroon ng preterm birth at pagtaas ng lean body mass ng kabataan.
Gayundin, ang mataas na pagkonsumo ng DHA ay mayroong malaking impact sa pagbubuntis dahil nakatutulong ito sa brain at eye development ng mga sanggol.
Oh, kaya sa mga soon-to-be mom diyan, make sure na mai-intake ninyo ang tamang supplement, ha?
Have a healthy pregnancy and safe delivery! Okie?





Comments