Mag-asawa pisak sa bus

NASAWI ang mag-asawa makaraang magulungan ng pampasaherong bus kamakalawa ng hapon sa Bgy. Sapang Gilid, San Fabian, Pangasinan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Eduardo at Cecilia Pelegroso, kapwa naninirahan sa Sagot Baley sa nabanggit ding bayan.
Ayon sa imbestigasyon, bandang hapon at papauwi na ang mag-asawa galing sa kaarawan ng isa nilang kaibigan nang maganap ang insidente.
Habang binabaybay ang national road lulan ng kanilang motorsiklo, nasagi nila ang isang tricycle kung saan natumba ang mga ito saka nagulungan ng kasunod na bus na minamaneho ni Ben Domingo.





Comments