GRASSROOTS NG PHL VOLLEYBALL TULOY, KAHIT WALANG AYUDA

SA kabila ng walang suporta ang Philippine Sports Commission tuloy pa rin ang grassroots programs ng Philippine Volleyball Federation sa hangarin na mapalalakas at mapalaganap ang volleyball sa kanayunan at makatuklas ng mga bagong manlalaro na may potentials kakatawan sa ‘Pinas sa mga international competitions tulad ng SEA Games, Asian Games, Olympic Games at ibang high level tournaments.
Sinabi ito ni PVF president Edgardo “Boy” Cantada sa una niyang pag guest sa TOPS Usapang Sports na ginawa sa National Press Club kung saan sumali rin sa usapan sina SCUAA president Robert Melton Calo, at Anton del Rosario ng Azkals. “Without PSC support my grassroots programs continues because the main thrust of my administration is to promote and propagate volleyball in the countryside aims to tap young promising talents,” sabi ni Cantada.
Ayon kay Cantada namimigay din sila ng mga bola nang volleyball sa mga public schools sa iba’t-ibang mga lalawigan para mahikayat ang mga kabataang maglaro ng volleyball at nagsasagawa sila ng coaching seminar/clinic para i-update ang local volleyball officials sa makabagong international rules sa volleyball.
Dahil sa kanyang positibong volleyball programs tumutulong ang Tanduay sa katauhan ni Bong Tan, anak ni sportsman/businessman Lucio Tan kung saan ang kanyang basketball team ay matagal na naghari sa Philippine Basketball League at sumali sa PBA.





Comments