Drug dealer timbog
Pabs Hernandez III
Mar 1, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang drug dealer ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Banawa sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Alan Pelasanca, natira sa naturang lungsod.
Nabatid na nagkakahalagang P2 milyon ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments