top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dating ka-live-in na gustong makipagtalik

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2019
2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Maria ng Maria_Carlosll@facebook. com

Dear Professor,

Napanaginipan ko ‘yung dating ka-live-in ko at gusto niyang makipagta­lik sa akin. Sa loob ko ay parang ayaw ko, pero pumayag din ako sa panaginip. Pagka­ta­pos, nu’ng bumaba ako sa bahay ng namatay kong lola, nandu’n siya at buhay na buhay.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Maria

Sa iyo Maria,

Medyo maselan ang pa­naginip at kasagutan o kahu­lugan nito. Maaaring ma-mis­interpret lang ito ng mga mambabasa, kaya para ma­wala ang pag-iisip ng kung anu-ano ay kumuha tayo ng paliwanag sa mga panaginip na nakasulat sa Banal na Aklat.

Nasusulat, umakyat sa bubong si St.Peter, ilang araw din siyang naroroon at siya ay nakatulog nang mahimbing habang nananaginip. Ano kaya ang kanyang napanagi­nipan?

Dahil ilang araw na si­yang nasa bubong ng bahay, siyempre siya ay gutom na kung saan nanaginip siya ng masasarap na pagkain.

Napansin mo ba, iha, ang katotohanang kung ano ang kailangan ng tao ay ‘yun ang kanyang mapananaginipan?

Ang katotohanang ito ay sinasang-ayunan ng lahat ng mga dalubhasa sa larangan ng sikolohista, kaya ang sabi nila, kapag ang tao ay nagkukun­waring malakas, sa totoong buhay ay mahina siya.

Kapag kailangan ng tao ang pera, sure na sure ang ma­pananaginipan niya ay may kaugnayan sa pera, halim­bawa siya ay nakapulot ng bag na may lamang pera o kaya ay tumama siya sa lot­to. Ba­kit? Kasi nga, ito ang gusto niyang makuha.

Sa ganu’ng mga katotoha­nan, ano ang ibig sabihin ng nakapananaginip ng sexual o erotic dreams? Palagay ko ay alam mo na ang kasagutan.

Pero, para mas malinaw, ayon sa iyong panaginip, ikon­sidera mo ngayon ang pag-aasawa dahil sa pagkakaroon ng karelasyon ay mabibig­yang-daan ang sexual needs mo. Ito ang katotohanan na hindi puwedeng balewalain.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page