top of page
Pokwang.jpg

5,176 patay sa war on drugs ni P-Duterte

J. Tumbado
Mar 1, 2019
1 min read

NASA kabuuang 5,176 ang bilang ng mga napapaslang mula nang mag-umpisa ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte.

Sa joint press briefing ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing bilang ay mula July 1, 2016 hanggang Jan. 31, 2019.

Nasa 170,689 ang bilang ng mga naaarestong drug suspect sa ikinasang 119,841 na anti-illegal drugs operations sa buong kapuluan.

Sa nasabing bilang, mayroong naarestong 263 elected officials, 295 empleyado ng gobyerno at 69 uniformed personnel.

Samantala, ang mga nakumpiskang iligal na droga naman ay umabot na sa P19.14 billion ang halaga.

Mayroon namang 301 na mga drug den at clandestine laboratories na na-dismantle na ng PDEA at PNP.

Habang nasa 11, 080 na barangays na ang maituturing na malaya sa anumang iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page