top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

‘Anti-palo bill’ ibinasura ni Duterte | PALO, SAMPAL, SIPA, MURA O PAMAMAHIYA SA ANAK, PUWEDE

Mylene Alfonso
Mar 1, 2019
2 min read

IBINASURA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang-batas na nagbabawal sa mga magulang na parusahan ang kanilang mga anak bilang paraan ng pagdisiplina.

Ito ay makaraang i-veto ni Pangulong Duterte ang Senate Bill No. 1477 at House Bill No. 8239 o “An Act Promoting Positive and Nonviolent Discipline, Protecting Children from Physical, Humiliating or Degrading Acts as a Form of Punishment”.

Kabilang dito ang paninipa, pamamalo at pananampal maging ang non-physical na pananakit sa mga bata tulad ng pagpapahiya sa harap ng publiko at pagmumura.

Sa veto message ni Pangulong Duterte, inihayag nitong napansin niya sa Western countries na luma na ang corporal punishment o pamamalo bilang paraan ng pagdidisiplina sa mga bata.

Ayon kay Executive Sec. Salvador Medialdea, mas nais umano ni Pangulong Duterte ang mas balanse na pagdidisplina kung saan mapoprotektahan ang mga bata kasabay ng pagkilala sa karapatan ng mga magulang na tukuyin kung naaayon ang paggamit ng corporal punishment sa kanilang mga anak.

Ayon naman kay Executive Sec. Salvador Panelo, mas nais ni Pangulong Duterte na bigyan ng kapangyarihan ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi malalabag ang karapatan ng mga ito.

Ani Panelo, batay sa veto message ng pangulo, kailangan pa rin na mabalanse ang pagbibigay ng proteksiyon kontra sa mga maling aksiyon at pag-abuso sa kanilang karapatan bilang mga magulang.

Aniya, ang pamamalo ay bilang pagpapakita na rin ng pagmamahal sa kanilang mga anak.

Samantala, sapat na umano ang mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa mga bata laban sa pagmamalupit tulad ng Family Code of the Philippines, Republic Act 7610 o the Anti-Child Abuse Act of 1992, gayundin ang Presidential Decree 603 o ang Child and Youth Welfare Code RA 9262 at ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page