Utos ni Duterte | INA NI TRILLANES, TULUYAN

ASAHANG gugulong na ang kaso laban sa ina ni Senador Antonio Trillanes IV na si Gng. Estelita Trillanes.
Ito ay makaraang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-subpoena si Ginang Trillanes kaugnay sa mga ipinasok na transaksiyon sa Philippine Navy.
Sa talumpati ng pangulo sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Maynila, sinabi nito na sumobra na si Trillanes.
“We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo’t sa hindi. Baka sabihin mong walang power, there is. We also have the contempt power but we have to go to court,” ani Duterte sa kanyang talumpati.
Dagdag pa ng pangulo, sa ayaw o sa gusto ni Trillanes, kanyang ipasa-subpoena ang ina nito tulad ng nangyari sa senador.
Matatandaang, umapela si Trillanes sa pangulo na huwag nang isama sa gulo ang kanyang ina dahil nakararanas na ng Parkinson’s disease ang kanyang ina na 84-anyos.





Comments