top of page
Pokwang.jpg

Tumangging tumestigo laban sa senadora | EX-LOVER NI DE LIMA, NA-CONTEMPT

V. Reyes
Feb 28, 2019
1 min read

IDINIDIIN ngayon ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 sa indirect contempt ang dating driver-bodyguard at lover umano ni Senadora Leila de Lima matapos tumangging tumestigo laban sa senadora.

Isasalang sana si Ronnie Dayan sa witness stand laban kay De Lima kaugnay sa kasong disobedience na kinahaharap nito.

Gayunman, noong nakaraang taon pa pinaninindigan ni Dayan na hindi tumestigo laban sa senadora.

Iginigiit ni Dayan ang karapatan sa self-incrimination dahil hindi umano siya maaaring tumestigo sa katulad na kaso na kanyang kinahaharap.

Kapwa kinasuhan ng disobedience sina De Lima at Dayan noong 2016.

May kinalaman ito sa pagpapadala umano ng text ni De Lima sa anak ni Dayan para isnabin ang pagdinig ng Kamara tungkol sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Pinangunahan nina dating Speaker Pantaleon Alvarez, Rep. Rodolfo Fariñas at Rep. Reynaldo Umali ang paghahain ng kasong disobedience laban kina De Lima at Dayan.

Muling itinakda ng korte ang pagdinig sa Mayo 15.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page