Lola, lasog sa jeep

ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos malasog ang katawan sa pampasaherong jeep habang tumatawid sa Bacoor City, Cavite kahapon.
Alas-5:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Molino Road. Bgy. Molino 3 kung saan tumatawid ang biktimang si Janita Jimenez, 65, residente ng Lawang Bato, Valenzuela City.
Minamaneho umano ng suspek na si Cesar Ramirez, 50, ang kanyang jeep nang hindi mapansin ang tumatawid na biktima.
Nagulungan ng jeep ang matanda at sa takot na kuyugin ay tumakas ang suspek na pinaharurot ang jeep pero, boluntaryong sumuko sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.
Dinala ang matanda sa PGH pero, hindi na ito umabot pa ng buhay.





Comments