top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapakanan ng mga mag-aaral na may special needs, bigyang-prayoridad!

  • Win Gatchalian
  • Feb 28, 2019
  • 2 min read

TUNGKULIN ng pamahalaan na magka­loob ng pantay-pantay na edukasyon sa mga kabataang mag-aaral.

Ang edukasyon na libre, de-kalidad at inklu­sibo ay para sa lahat kung saan walang batang mapag-iiwanan at walang dapat makahadlang sa kanilang katayuan, kasarian, sosyal at ka­pansanan na pagkakaiba-iba.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang kasalukuyang bilang ng naka-enroll na mga batang may special needs sa public ele­mentary school ay 40,181.

Itinataya rin nito na humigit-kumulang 5.5 milyong Pilipino ang may special education needs. Nangangahulugan lamang ito na isa sa ba­wat walong kabataan ay walang sapat na ka­kayahang mag-aral at makipagsabayan sa regular na eskuwelahan.

Sila ay may taglay na pagkakaiba sa mga aspeto kabilang ang pisikal (bingi, bulag o orthopedic impairment), cognitive (tulad ng autism o intellectual handicaps), psychological (anxiety disorder, attention deficit, hyperacti­vity disorder) at komunikasyon (speech im­pairments o speech-based developmental disorder).

Dahil sa epekto ng kanilang special needs, may posibilidad na mawalan din sila ng opor­tunidad at kakayahan na matamo ang tamang edukasyon na magpapaangat ng kanilang ka­lagayan.

Ngunit, ang pagsubok ngayon sa mga re­gular na publiko at pribadong paaralan ay wa­lang sapat na kaalaman, kasanayan at kagami­tan para maipagkaloob ang pag-iingat, pag-aaruga at pagsubaybay ang pagpapaunlad ng pisikal, cognitive at social skills ng mga estud­yan­teng may special needs.

Bilang tugon sa Presidential Decree No. 603 o ang The Child and Youth Welfare Code, iha­hanay ng ating panukala ang mga narara­pat na programa tulad ng Child Find System upang mabigyan ng prayoridad at magawan ng Indi­vidualized Education Plan (IEP) ang mga batang gifted, may intellectual disabilities, lear­ning disabilities, emotional o behavior dis­order at multiple handicapping condition.

Dahil sa mga sitwasyong ito ay nabuo ang ating panukala sa Senado na Senate Bill No. 996 o Inclusive Education for Children and Youth with Special Needs Act of 2016.

Ang layunin nito ay ang magtayo ng Spe­cial Education (SPED) Center sa bawat school division sa buong bansa.

Sa ganitong paraan, mabibigyan ng maka­bu­luhang atensiyon at lubos na matututukan ang mga espesyal na pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang SPED Center ay magmimistulang re­source center na sisiguraduhing maipalala­ga­nap ang inklusibong edukasyon para sa la­hat ng mag-aaral. Kumpleto ang mga kagamitan, pasilidad, guro at kawani na may espesyalisas­yon sa SPED Education.

Ang hinahangad ng mga center na ito ay hindi lamang maibigay ang karapat-dapat na atensiyon at kalinga para sa mga espesyal na mag-aaral kundi para maiangat pa lalo ang ka­nilang potensiyal upang maging matagumpay sa kanilang pipiliing larangan at magkaroon ng magandang uri ng buhay sa lipunan na kaga­lang-galang at pinagkakatiwalaan ng lahat.

Sa bawat SPED Center ay magtatalaga ng administrator core at placement committee na binubuo ng developmental pediatrician, child psychiatrist, educational psychologist, gui­dance counselor, physical at occupational the­rapist, Braille specialist at marami pang iba.

Upang walang mapag-iwanan, sama-sama nating itaguyod at suportahan ang special edu­cation sa bawat lugar.

Pagtulung-tulungan natin ang pagkamit ng inklusibong edukasyon para sa lahat ng kaba­taang Pilipino!

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page