INIT NG LARO NG BLAZE SPIKERS, CARGO MOVERS AT HD, TULOY


MAPANATILI ang mainit na laro ang nasa isip sa bakbakan ng Petron, F2 Logistic at Cignal sa pagmartsa tungo sa giyera ng Philippine Superliga Grand Prix ngayon sa FilOil Flying V Centre.
Masusukat ng reigning champion Blaze Spikers ang Sta. Lucia ng 2 p.m. habang ang powerhouse Cargo Movers ay babanat sa Foton ng 4:15 p.m. na ikalawang match sa slam-bang triple-header.
Aaksiyon din sa women’s club tourney ang HD Spikers na itataya ang three-game winning run laban sa peligroso ring United VC ng 7 p.m.
Matapos makakuha ng dalawang best imports na sina Stephanie Niemer at Katherine Bell, babalik ang core nina Mika Reyes, Remy Palma, Aiza Pontillas at Rhea Dimaculangan, kumarera ang Petron sa three-game winning streak at okupahin ang ituktok ng team standings.
Hindi paiiwan ang nemesis ng Blaze Spikers na Cargo Movers dahil pumuwesto rin sila sa ikatlong diretsong panalo, salamat sa pagdating ni dating Most Valuable Player at three-time Grand Prix champion Lindsay Stalzer.
Sa pananalasa ni Stalzer, kumpletong team ang F2 Logistics, namuno sa 23-25, 25-23, 25-21, 25-22 win kontra United VC noong Martes.
Uminit si Stalzer, na may dalawa nang practice sessions sa Cargo Movers nang dumating noong Linggo sa bisa ng 25 kills at 5 blocks at tumapos na may 30 puntos habang si Becky Perry ay may 16 marka para sa Cargo Movers na itsa-challenge ang Blaze Spikers sa isa pa muling title duel. “We need a leader on the court, especially the imports. We look up to them because the Grand Prix is a battle of imports,” ayon kay F2 Logistics coach Ramil de Jesus. Hindi naman dapat balewalain ang Cignal.
Bagamat natalo ang HD Spikers sa opening game sa Cargo Movers, nakabawi sila sa tatlong straight game wins kontra PLDT Home Fibr, Sta. Lucia at Generika-Ayala at bumubuntot sa Petron at F2 Logistics sa team standings.
Mahirap namang lupigin ang United VC dahil na rin sa presensiya ng apat na US NCAA standouts na sina Kalei Mau, Alohi Robbins-Hardy, Tai Manu-Olevao at Yaasmeen Bedart-Ghani.
Samantala, sa huling laro kamakalawa ng hatinggabi, tinalo ng PLDT Home Fibr ang Foton, 25-16, 25-20, 25-17 sa second game. Impresibo si American import Grace Lazard sa nagawa niyang 12 attacks, 5 blocks at ace para sa 18-point performance habang si Kendra Dahlke ay may 10 marka para sa Power Hitters na may ika-2 straight win. Nag-iisang binalikat ni Courtney Felinski sa 15 points ang Tornadoes.
Ika-2 talo ito ng Foton sa tatlong laro. Team Standings Petron 3-0 F2 Logistics 3-0 Cignal 3-1 PLDT 2-2 Foton 1-2 United VC 1-2 Sta. Lucia 1-3 Generika-Ayala 0-4. (MC / VA)





Comments