top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ginang, pisak sa trak

Jeff Tumbado
Feb 28, 2019
1 min read

UTAS ang 47-anyos na ginang makaraang mada­ganan ng trak na may kargang mga bakal at plywood sa Bypass Road, Catalunan Peque­nio, Davao City kama­kalawa ng umaga.

Sa report ng pulisya, magde-deliver ng construction materials ang trak nang mawalan ito ng kontrol habang binabaybay ang pataas na bahagi ng Bypass Road.

Naatrasan umano ng trak ang losed van, motorsiklo at isang pick-up.

Sa pagkakataong iyon, tumilapon ang biktimang si Bernadeth Alfredo na angkas ng nabunggong motorsiklo kung saan nagulungan pa ang ulo nito habang bumubulusok ang trak at tuluyang nahulog sa banging may 10-metro ang lalim.

Bukod sa nasawi, limang iba pa ang nasugatan sa insidente, kabilang ang driver ng trak na si Danilo Igna­cio, mga pahinanteng sina Chobok Salinas, Rey­mark Alcasid, Ping Biter at asawa ni Alfredo na si Jonathan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page