top of page
Pokwang.jpg

Driver tinodas ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Feb 28, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang driver ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Singao, Kidapawan City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Carlo Ingay, residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na habang namamasada si Ingay ay dinikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page