Babaeng naglalako ng shabu, kulong

TIMBOG ang isang babae na naglalako ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Asuncion at Juan de Moriones Sts., Binondo, Manila.
Nasamsam sa suspek na si Venus Amurao, 41, ang 16 sachets ng shabu, timbangan at P500 marked money.
Isinagawa umano ang operasyon alas-8:30 ng gabi sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng tip mula sa iligal na aktibidad ng suspek.
Nabatid na nakatambay umano sa naturang lugar at naghihintay ng kanyang parukyano ang suspek.





Comments