top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Titser suma-sideline na tulak, kulong | “SUWELDO, LAGING DELAYED”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang lalaking guro sa buy-bust operation sa Minglanilla, Cebu.

Ayon sa suspek, laging delayed ang kanilang suweldo kaya napilitan siyang magtulak ng droga. Kinilala ang naaresto na si Neler Tagpuno, Jr. alyas Sir Nel, na naaresto sa kanyang bahay sa Bgy. Lipata.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nagbebenta sa lugar ng droga na tinatawag na Sir Nel.

Matapos ang dalawang buwang pagmamanman, naisagawa ang operasyon at positibong nakabili ng droga sa suspek.

Nakuha umano kay Tagpuno ang maliliit na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P15,000.

Napag-alaman na 2006 nang magsimulang magturo si Tagpuno at kasalukuyang guro sa elementarya sa isang pampublikong paaralan sa Cebu City. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page