STALZER, IKINARGA SA PSL ANG PANALO NG CARGO MOVERS
- BULGAR

- Feb 27, 2019
- 1 min read

WALANG kupas sa kanyang debut play si Lindsay Stalzer nang pamunuan ang F2 Logistics sa 23-25, 25-23, 25-21, 25-22 win laban sa United VC sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre.
Hindi nasayang ang paghihintay sa 30-anyos na spiker mula Illinois na muling makapaglaro sa team at manatiling unbeaten sa prestihiyosong women’s club tourney na isinaere ng ESPN5 at 5Plus.
Unang hindi nakalaro sa dalawang games ng F2 Logistics si Stalzer dahil sa paglalaro sa Indonesia at bumanat ito ng 25 kills at 5 blocks upang tumapos sa 30 puntos habang si Becky Perry ay may naikamadang 16 na marka para sa dating kampeon. Sinabi ni F2 Logistics head coach Ramil de Jesus na ang presensiya ni Stalzer ang nagpalakas sa kanilang kampanya kontra UVC squad na ipinarada rin sina US NCAA Division I standouts na sina Filipino-Americans Kalei Mau at Alohi Robbins-Hardy maging sina imports Tai Manu-Olevao at Yaasmeen Bedart-Ghani. “If Lindsay wasn’t here, we would have probably lost, 3-0,” ayon kay de Jesus matapos ang ikatlong panalo sa torneo. (MC / VA)





Comments