top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Sey ng aktor, 'di naman masamang matulog… JC, SHOCKED NA DAHIL SA KANYA KAYA NAG-WALKOUT SI ANGE

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2019
2 min read

Ikinagulat ni JC de Vera na siya ang luma­labas na dahilan kung bakit nag-walkout si Angel Locsin sa set ng The General’s Daughter gayung wala naman daw siyang natandaan na binadtrip niya ang aktres that day.

“Sabi ko, hindi naman kasalanang matulog sa set, ah,” pagbibiro niya nang makausap namin siya sa pocket presscon niya kahapon.

Natutulog daw siya nang mangyari ‘yun at hindi lang siya kundi marami sila.

“Marami kami nu’n — ako, si Ryza (Cenon), si Kuya Albert (Martinez), si Miss Eula (Valdez), tulog that time. Ang nakakita lang yata that time, mga staff.

“Pati si Ate Janice (de Belen) din, nandu’n din sa dressing room niya. Tapos, pumasok siya sa dressing room namin, ako, natutulog pa. Tapos, paggising ko, nagkukuwentuhan na sila,” kuwento ni JC.

Hindi ba nila inalam pagka­ta­pos kung bakit ginawa ni Angel ‘yun or kung may pinagda­raanan ba ito or what?

“Malaki ang respeto ko kay Angel kaya hindi ako nagta­nong sa kanya,” he said.

Pero sa susunod daw, ani JC ay sisiguraduhin niyang masuportahan si Angel para hindi na maulit ito.

“Kasi nga, whatever she felt that day, kailangang hindi niya ‘yun maramdaman the following taping day,” he said.

Natanong din si JC kung siya ba ay nagawa nang mag-walkout sa set ng kanyang ginagawang proyekto at ayon sa aktor, hindi niya kayang gawin ‘yun.

“Hindi ko talaga kaya kasi naniniwala naman ako kung nasaang estado si Angel ay malayung-malayo ako. So, hindi ko puwedeng i-risk ‘yung mga ganu’ng bagay.”

Basta siya raw ay work lang nang work hangga’t kaya.

Si JC ang isa sa mga love interest ni Angel sa serye at ginagampanan niya ang role na Capt. Ethan del Fierro. He feels blessed na napasama sa ganito kalaking serye at bu­kod dito ay meron din siyang Banana Sundae na isang gag show naman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page