Partylist na sabit sa pork barrel scam, suportado ni P-Digong? Nakupo!

TILA YATA NAG-UULYANIN NA SI P-DUTERTE—Sa harap ng mga taga-Biñan City, Laguna, sinabi ni P-Duterte na wala raw siyang ipinangako noong kampanya sa presidential elections na hindi niya natupad.
Ganu’n? Aba, tila nag-uulyanin na si P-Duterte kasi hindi pala niya alam na mas marami sa mga pangako niya noon ang napako tulad ng promise niyang sasakay ng jetski para magtirik ng watawat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), 3-6 months tapos na ang problema sa iligal na droga, pagsugpo sa korupsiyon, pagtatanggal sa endo o kontraktuwalisasyon, pagbibigay ng maraming trabaho para ang mga OFW ay mag-uwian na sa bansa at rice sufficiency, boom!
◘◘◘
BILYONES NA INTEL FUND NI P-DUTERTE, PANG-DETECT LANG SA MGA BADING NA NPA?—Sabi ni P-Duterte, napakarami raw baklang miyembro ng New People’s Army (NPA).
Pambihira, imbes na gamitin ni P-Duterte ang kanyang bilyones na intelligence fund laban sa mga terorista upang hindi na maulit ang pagpapasabog sa Jolo Cathedral na kumitil sa buhay ng mga Katoliko, eh, tila ginagamit lang niya ang kanyang intel fund para ma-detect mga bading sa NPA, boom!
◘◘◘
PARTYLIST NA SABIT SA PORK BARREL SCAM, SUPORTADO NI P-DUTERTE — Inendorso ni P-Duterte ang AA-Kasosyo Partylist ni ex-PCOO Asec. Mocha Uson.
Ano bang klaseng pangulo ito, mantakin n’yo, pakilala niya sa kanyang sarili ay anti-corrupt daw siya pero, sa dinami-rami ng mga partylist na puwedeng iendorso, eh, ang inendorso ay ang AA-Kasosyo Partylist na naging “kasosyo” sa pork barrel scam ni Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles, pwe!
◘◘◘
SA IBANG BANSA, ANG MGA ILLEGAL WORKER, IDINI-DEPORT; SA PILIPINAS, BINEBEYBI —Sa ibang bansa, ang mga foreign illegal worker ay inaaresto, ikinukulong at ipinadi-deport, pero sa Pilipinas, ang mga illegal Chinese worker ay benibeybi ng Duterte gov’t., buwisit!





Comments