top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa mga nagdidiyeta riyan, read n’yo ‘to! DIET BEVERAGES, PRONE SA STROKE AT HEART ATTACK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 2 min read

PATOK na patok ang diet drinks dahil sa paniniwalang nakatu­tulong ito sa pagpapa­payat. Pero, mga beshy, hinay-hinay lang sa pag-inom nito dahil baka imbes na pumayat kayo, eh, magresulta pa ito ng mga sakit na dehins madaling gamutin. Knows ba ninyo na ang araw-araw na pag-inom ng diet soda ay maaa­ring magresulta sa pagkakaroon ng stroke at heart attack? Hala!

Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng dala­wang sugar-free fizzy drink o diet soda kada araw ay nakapagpapataas ng tsansa sa pagkaka­ro­on ng heart attack at stroke sa kababa­ihan.

Ang naturang pag-aaral na nai-published sa journal na Stroke ay isinagawa sa mahigit 80,000 kababa­ihan na nasa edad 50 hanggang 79 na regular na umiinom ng diet soda noong mga taong 1992 hanggang 1998.

Habang isinasagawa ang pag-aaral, inatasan ang mga kalahok na ilahad kung gaano kadalas silang uminom ng diet drinks na may mababang calories, artificial sweeteners, soda at fruit drinks.

Napag-alaman ng mga researcher na ang araw-araw na pag-inom ng mga nabanggit na inumin ay may kaugnayan sa mataas na tsansa sa pagkakaroon ng stroke dahil sa bara­dong artery, partikular sa maliliit na arteries.

Bukod pa rito, ang mga kalahok na araw-araw umiinom ng diet soda ay may­roong 31 porsiyen­tong tsansa na makaranas ng stroke dahil sa blood clot. Gayundin, mayroon silang 29 porsiyentong tsansa na magkaroon ng heart disease at 16 porsiyentong tsansa ng maagang pagkamatay.

Samantala, ang mga nabanggit na panganib ay mas prone umano sa kababaihang obese bago pa simulan ang naturang pag-aaral.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, ang mga sweetener tulad ng aspartame, saccharin at sucra­lose ay may kaugnayan sa diabetes, weight gain at cancer.

Bagama’t, nalaman ng mga researcher ang panganib na naidudulot ng mga inuming may artificial sweetener, hindi pa rin matukoy kung anong partikular na uri ng sweetener ang nakapagti-trigger ng mga nasabing kundis­yon.

Upang maiwasan ang mga nabanggit na sakit, inirerekomenda ng mga eksperto na uminom ng tubig bilang alternatibong inumin sa diet soda dahil tiyak umanong ligtas ito kumpara sa ibang uri ng inumin.

Oh, ayan, mga besh, make sure na hindi ninyo aaraw-arawin ang pag-inom ng diet soda, ha?

Oks din kung mas maraming tubig ang maiinom ninyo kada araw.

Have a healthy diet!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page