Mister dadalawin sa selda misis tiklo sa shabu
- Levi Gonzales
- Feb 27, 2019
- 1 min read

NABUKING ang pagpasok sa selda ng hinihinalang shabu ng isang misis matapos mahulihan sa Lipa City Police Station, Bgy. 1, Lipa City, Batangas.
Ayon sa ulat, pasado alas-7:00 ng gabi nang dumating sa nasabing himpilan ang suspek na si Michelle Natividad, upang dalawin ang kanyang mister na nakakulong sa kasong illegal gambling.
Sinuri muna ng nakatalagang bantay ng selda ang dala-dala nito.
Napansin agad ang kaha ng sigarilyong nakabalot ng tape habang nakalagay sa ilalim ng damit.
Agad tinanggal ang balot kung saan tumambad ang 14 sachets na pinaniniwalaang shabu. Inaresto ang ginang at sinampahan ng kaukulang kaso.





Comments