Lolo niratrat ng riding-in-tandem

PATAY ang isang lolo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng hapon sa Bgy. Villanueva, Bautista, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Herminio Betinez, 68, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, bandang hapon ay naglalakad ang biktima patungo sa sari-sari store upang bumili ng itlog na kanilang uulamin sa hapunan.
Sumulpot ang hindi pa kilalang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.
Limang bala ng kalibre .45 ang tinamo ng biktima na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Patuloy namang inaalam ang motibo sa krimen.





Comments