top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Iniwan ni misis | MISTER NAGBIGTI

V. Reyes
Feb 27, 2019
1 min read

WINAKASAN ng isang obrero ang sariling buhay matapos makaranas ng depresyon at kalungkutan nang iwan ng kanyang kinakasama sa Quezon City.

Ayon kay Police Inspector Roldan Dapat, kinilala ang nasawi na si Jason Allarde de Ocampo, 36, residente ng Bgy. Pasong Tamo.

Sa paunang imbestigasyon, nadiskubre ang nakabigting bangkay ni De Ocampo sa loob ng kanyang bahay alas-12:00 ng tanghali ng Lunes.

Pupunta sana sa kapitbahay ang isang Ronald Manlangit para magsauli ng hiniram nitong gamit nang mapadaan sa bahay ni De Ocampo at makita sa bintana ang nakabigting katawan ng biktima.

Agad na ipinagbigay-alam ni Manlangit sa mga opisyal ng barangay ang kanyang nadiskubre na nirespondehan ngunit, nadatnan nila itong wala ng buhay.

Nabatid na bago ang insidente ay narinig umano ng mga kapitbahay na nagtatalo ang biktima at ang kinakasama nitong si Joanna Marie Calderon, kung saan ay nagpasya umanong iwanan na si De Ocampo.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ni Luisa Allarde Soriano ang pagpapatiwakal ng kanyang pamangkin dahil kumbinsido itong sadyang nagpakatiwakal si De Ocampo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page