Humingi ng saklolo sa socmed… ANGELINE, BINANTAANG PAPATAYIN NG MAID
- BULGAR

- Feb 27, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

HINDI na nakatiis ang singer na si Angeline Quinto at nag-post na sa kanyang FB account na nakakatanggap siya ng death threats.
Mabait pa nga ang singer dahil bago niya ini-reveal ang mga nanakot sa kanya ay humingi pa muna siya ng pasensiya.
Ani Angge sa kanyang FB, “Wala akong atraso sa ‘yo, Kian, hindi nga kita kilala at sa ‘yo Alma Cruz (dati kong kasama sa bahay).”
Hindi raw niya nakikita ngayon ang mga ito, pero ang dami raw niyang natatanggap na mga salita mula sa dalawa.
Inaanyayahan pa ng singer na kung alam ang bahay nila ay puntahan siya at nakiusap pang ‘wag mandamay ng ibang tao.
“Kesyo pagbabanta na papatayin ako at lahat dito sa bahay. ‘Wag ganu’n. Hindi tama, eh.”
Nagbabala si Angeline na kung may mangyaring masama sa kanya o sa pamilya niya, mas mainam na raw na nai-post niya ang mga nananakot sa kanya.
Paalala lang sa singer, mas mainam na ipa-blotter niya ang lahat-lahat nang sa ganu’n, if ever na may mangyari nga sa kanya ay may matutukoy agad ang alagad ng batas.





Comments