top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Estudyante, 1 pa timbog sa droga

Maeng Santos
Feb 27, 2019
1 min read

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang 18-anyos na estudyante ang arestado sa buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police Deputy Chief for Administration P/Supt. Ferdie del Rosario ang mga naarestong suspek na sina Russel Ariola alyas Kadyo, 25, at Karl Osila, ng Bgy. 139.

Ayon kay PO1 Donn Jerrera, alas-12:30 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCI Rengie Deimos ang buy-bust operation kontra kay Ariola sa labas ng kanyang bahay sa Bgy. 35.

Matapos iabot ng suspek ang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana kay PO1 Nico June Roque na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P1,000, agad sumalakay ang back-up na mga operatiba at sinunggaban si Ariola.

Dinakip din ng mga operatiba si Osila matapos maaktuhang nakikipagtransaksiyon kay Ariola.

Nakumpiska kay Ariola ang brick na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuanan na tumitimbang ng 1.5 kg. na nasa P30,000 street value at buy-bust money habang narekober naman kay Osila ang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page