Drug ring leader, arestado

NASUKOL na ang itinuturong drug ring leader, gayundin ang isa sa kanyang mga miyembro sa buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Sonny Boy Regajal alyas Sonny, 39, umano’y pinuno ng Regajal Drug Group at Rebecca Officiar alyas Bhe, 29, miyembro ng nasabing sindikato.
Isinagawa ng pulisya ang operasyon sa Bgy. E. Rodriguez, Cubao alas-8:00 ng gabi. Aabot sa 28 sachets ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang suspek.
Si Regajal ay kabilang sa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at may kinahaharap na kasong arson sa Lawa-an, Eastern Samar.
Napalaya si Regajal noong Enero 2018 at pinasok umano ang operasyon ng iligal na droga. Si Officiar ay nadakip na rin noong Oktubre 2017 dahil sa pag-iingat ng iligal na droga at napalaya noong Setyembre 2018.





Comments