top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Colombian drug cartel nakapasok na sa ‘pinas — PDEA

  • V. Reyes
  • Feb 27, 2019
  • 1 min read

ISANG Colombian Drug Cartel ang nakapasok at kumikilos na sa Pilipinas bilang bahagi ng pagpapa­lawak ng operasyon ng na­turang sindikato.

Kinumpirma ito ni Phi­lip­pine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa harap ng sunud-sunod na nata­tagpu­ang bloke-bloke ng co­caine sa ilang dalampa­sigan sa bansa.

“Tama ang ating presi­dente nu’ng sinabi niya na pumapasok na ang Colom­bian Drug Cartel sa atin kasi based doon sa nakuha na­ting representative sample sa Matnog, Sorsogon noong 2018, lumalabas na ito ay na­gawa sa Colombia,” ani Aquino.

Aniya, ginagamit ng da­yuhang sindikato ng iligal na droga ang Pilipinas bilang transhipment point ng co­caine.

Gumagamit din aniya ang drug cartel ng cocaine bricks bilang diversionary tactics para makapagpalusot ng mas malaking bulto ng ilegal na droga sa bansa.

“Sabi ko nga tatlong teorya ‘yan. Number one, tran­shipment point. Panga­lawa, ‘yung ating diversio­nary tactic na ginagawa ng drug syndicate at ‘yung pangatlo, kung nasakay nila ito sa speedboat nila, itong mga smuggler ay napi-feel nila na sila ay mahuhuli… ito’y itinatapon sa karaga­tan pero, ire-recover din na­man ito,” dagdag pa ni Aquino. Aminado rin ito na ma­hina ang depensa ng bansa sa mga baybayin dahil sa kakulangan ng mga bangka at barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magpapatrulya.

Tiniyak naman ni Aqui­no na may pakikipag-ugna­yan ang PDEA sa coun­terpart nito sa Colombia pa­tung­kol sa usapin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page