top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Alamin mula kay Maestro... MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN NG MGA ISINILANG SA YEAR OF THE RABBIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2019
3 min read

ANG Rabbit ay mapa­pansing tutulug-tulog sa pansitan, parang hindi gaanong nag-e-effort sa buhay at palaging mati­wasay.

Subalit, kahit na akala mong tahimik at tatamad-tamad ang pangunahing katangin ng Kuneho, sa katotohanan, sadyang matalino ang mga Rabbit, may pagkatuso at mapamaraan. Kaya lang naman sila hindi masigasig sa kanilang ginagawa ay dahil ang totoo, alam nila ang tamang panahon kung kailan sila dapat kumilos nang todo at seryoso.

Sadyang masaya ang Rabbit kapag nasa comfort zone siya ng kanyang buhay sa piling ng kanyang pamilya, kaya maiisip mong tila walang gaanong mataas na ambisyon ang mga Kuneho. Hindi naman kataka-taka na nga­yong 2019, mapapansing mas maraming guguguling oras at panahon ang Kuneho sa piling ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay dahil para sa kanya, ang taha­nan at ang pamilya ang una at ang dapat na pinahaha­lagahan.

Kaya naman ngayong Taon ng mga Baboy sadyang idinesenyo ng langit sa bu­hay ng Rabbit na maka­sum­­pong ng suwerte at maga­gan­dang kapa­laran, lalo na kung mana­natili silang ma­pag­mahal sa kanyang pa­milya at patuloy na ma­gi­­ging maaruga sa kan­yang mga mahal sa bu­hay kung saan ito ay sigu­ra­dong magrere­sulta ng tina­­ta­wag na “grea­ter happiness and fulfill­ment” na ma­ra­ra­nasan niya sa halos lahat ng aspeto ng kan­yang buhay ngayong taon.

Kaya ngayong Taon ng mga Ba­boy, ang kapalaran ng mga Rabbit ay hindi lamang magbubunga ng pag-unlad at kasa­ganahan, sa halip, ang pag-unlad at kasaga­na­hang ka­nilang mara­ra­nasan ay magdudulot din ng ibayong saya at ligaya, hindi lang sa personal, bagkus, para rin sa kanyang buong pamilya.

Sinasabi ring kung noong nakaraang taong 2018 ay naging mapalad, masigla ang career at kabuhayan ng Rabbit, ngayong 2019, lalo pang mag-iibayo ang suwerte at ang pag-unlad hindi lamang sa kabuhayan kundi sa lahat ng aspeto ng buhay ng Kuneho.

Kung ang Rabbit naman ay may pinagdaanang mga hamon noong nakaraan taon, maiiba ito ngayong taon dahil sadyang mag-iibayo pang lalo ang kanyang lakas at kasiglahan upang ang nakaraang hamon ay ngayon na niya mapagtagumpayan. Hindi lamang siya magtatagumpay sa mga nakabimbing laban o hamon, bagkus, ang ikinaganda pa nito, ang Rabbit ay matatagpuang nasa tamang landas patungo sa tagumpay at kaligayahan.

At dahil sa rami ng suwerte at tagumpay na bubuhos sa buhay ng Kuneho ngayong 2019, may tendency na ma­palakas hindi lamang ang kanyang gastusin kundi pati na rin ang pagkain. Kaya dapat na matuto rin ang Kuneho ng tinatawag na moderation. Oo, dapat ay hinay-hinay lang sa paggastos at huwag masyadong magkakain ng mga bawal o hindi tamang pagkain upang mapanatili ang magandang kalusugan at makaiwas sa biglaan at hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit.

Sa mga Kuneho na single pa, wala pang girl­friend o wala pang boyfriend, ngayong taon ang panahon para magplano ng future para sa papasuking pakikipagrelasyon. Kung ikaw ay lalaki na naghahanap ng mali­ligawang babae, bilisan mo ang pag­dedesisyon o madaliin mo ang panlili­gaw dahil kapag babagal-bagal ka, mau­unahan ka ng iba.

Kung ikaw naman ay babae at mayroon kang mga manliligaw, huwag mo ng patagalin, piliin mo kaagad ang lalaking na­pupusuan mo at sagutin dahil ngayong Taon ng mga Baboy, kapag babagal-bagal ka, ‘yung karapat-dapat na lalaki na magiging boyfriend mo sana ay tiyak na panghihi­nayangan mo kapag natuklasan mong nagka-girl­friend na ng iba. Para naman sa mga may karelasyon na Ku­neho, mas mainam kung ipaplano at paghahandaan nang mabuti ang gagawing pagpapakasal sa susunod na taong 2020.

Sa panahong ding ito ng Baboy, asahang magiging sobrang lakas ang atraksiyon ng Kuneho at Baboy, kaya hindi maiiwasang biglaan silang makabubuo ng matimyas at masa­rap na relasyon. Gayundin, ang Rabbit at Tupa o Kambing, malakas din ang kanilang ka­risma sa isa’t isa, kaya kahit ayaw nila, malamang na hindi nila maiwasang magkaroon ng kakaiba at lihim na romantikong relasyon.

Sadya namang magiging mapalad ang Kuneho mula sa ika-6 ng Marso hanggang sa ika-14 ng Abril, mula sa ika-3 ng Hulyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo, mula sa ika-25 ng Setyembre hanggang sa ika-28 ng Oktubre at mula sa ika-28 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page