top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

You feel like you’re in a box, he/she’s clingy, one-sided etc… IBA’T IBANG BAGAY KUNG PAANO MALALAMA

  • Ms. Jersy
  • Feb 26, 2019
  • 2 min read

No Problem

‘IKA nga nila, less is more, kaya marami sa atin ang nagiging mapili sa mga kaibigan dahil sa paniniwalang mas nakabubuti ito para sa atin. Bagama’t, naging mapili na tayo sa magiging mga kaibigan natin, gaano tayo kasigurado na hindi hahantong sa toxic napag kakaibigan ang relasyon natin sa kanila? Kaya mga lodi, para makasiguro tayo na genuine ang ating pagkakaibigan, narito ang ilang senyales ng toxic friendship na dapat nating bigyang-pansin:

1. YOU KEEPGOOD NEWS TOY O U R S E L F . Nagdadalawang-isip ka na magbahagi ng mga good news sa iyong mga kaibigan? Pilit mo bang itinatago ang kasiyahan mo dahil for sure, ang mga kaibigan mo ay makararamdam ng selos o inggit kapag nalaman nila na mayroon kang achievement? Ayon sa mga eksperto, senyales ito ng toxic na pagkakaibigan dahil ang tunay na kaibigan ay kasama mo dapat sa masaya o malungkot na karanasan.

2. YOU NEVERHAVE A CHANCE TOSPEAK. Hindi natin ito madalas napapansin dahil sa pag-aakalang palakuwento talaga ang kaibigan natin. Pero, lodi, dapat mong malaman na posibleng senyales din ng toxic friendship ang kawalan mo ng pagkakataon na makapagsalita. kumbaga, gusto ni besh, eh, siya lang ang pinakikinggan at ayaw niyang makinig kapag ikaw na ang magkukuwento. Ganern!

3. YOU FEEL LIKEYOU’RE IN A BOX.“Anong ginawa mo?, “bakit ganyan ‘yung suot mo?” o“anong regalo mo sa BF/GF mo nu’ng birthday niya?”—Kung madalas mong marinigang mga katagang ‘yan mula sa iyong kaibigan, it’s a bad sign, beshy. Ayon sa mga eksperto, ang tunay na kaibigan ay hindi kinukuwestiyon ang kahit anong desisyon na gagawin mo.

4. YOU MAKE BADDECISIONS AROUNDTHEM. Mayroon ka bang mga kaibigan na mahilig magyaya na gumawa ng mga bagay na hindi mo gustong gawin tulad ng paninigarilyo o labis na pag inom ng alak? Hmmm…ayon sa mga eksperto, ginagawa ito ng mga toxic na tao upang hindi sila masyadong makaramdam ng guilt sa paggawa ng hindi magagandang bagay.

5. YOUR FRIENDSHIPIS ONE-SIDED. Hindi lang sa romantic relationship may ganito, besh! Puwede rin itong mangyari sa pagkakaibigan. ‘Yung tipong ikaw lang ‘yung nage-effort na matuloy ‘yung mga plano ninyo o kaya naman ay ikaw ang palaging nag-a-adjust depende sa mga kagustuhan niya. Saklap, besh!

6. HE/SHE’S CLINGY. Alam natin na nasa wastong edad na tayo kaya mayroon nang iba’t ibang responsibilidad ang bawat isa. Pero, kung palagi kanilang niyayayang lumabas kahit may pasok o ayaw nila na may iba kang circle of friends, eh, mag-isip-isip kana, lodi!

7. YOU DON’T LOOKFORWARD TO PLANS. May mga pagkakataong hindi natutuloy ang mgalakad ninyo, pero oks lang sa iyo ‘yun. Bakit kaya? Hmmm…kung genuine ang friendship ninyo, eh, siguradong gagawa at gagawa ka nang paraan para matuloy ang mga plano ninyo. Pero kung hindi, alam mo na, ha?

Mga beshy, matanda natayo para manatili sa toxic friendship, kaya watch out sa mga senyales na nabanggit nang sa gayun ay maiwasan natin ito. Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page