top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

VAN VS. TRICYCLE, 3 UTAS

  • Jeff Tumbado
  • Feb 26, 2019
  • 1 min read

PATAY ang tatlo katao kabilang ang tricycle driver at dalawang pasahero nito nang makasalpukan ang isang van sa Dagupan City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang 32-anyos na driver na si Michael Reyes, habang sina Karen Viliran, 28, at kanyang 5 taong gulang na anak na babae ay kapwa binawian ng buhay habang ginagamot sa Region 1 Medical Center.

Malubha namang nasugatan ang mga pasahero rin ng tricycle na si Wendel de Leon, 37, live-in partner ni Viliran at ang dalawa pa nilang anak na babae na pitong taong gulang at isang taong gulang na sanggol na si Hanifa.

Batay sa inisyal na ulat ng Dagupan City police, alas-5:45 ng hapon nang mangyari ang trahedya kung saan lumalabas na nag-overtake umano ang traysikel sa isang motorsiklo sa south bound lane ng De Venecia Highway sa Bgy. Lucao nang sumalpok ang mga biktima sa kasalubong na van.

Sa tindi ng banggaan, halos mawasak ang traysikel at tumilapon ang ilan sa mga pasahero nito.

Isinailalim naman sa kostudiyang pulisya ang driver ng van na si Romeo Bugaoan, 53, na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page