Presidente ayaw magbitiw sa puwesto | U.S. KAY MADURO: BILANG NA ANG ARAW MO SA PUWESTO
NAGBIGAY-BABALA si U.S. Secretary of State Mike Pompeo na bilang na ang araw ni Venezuelan President Nicolas Maduro.
Ito ay matapos ang madugong engkuwentro dahil sa pagharang ng militar sa mga humanitarian aid.
Ayon kay Pompeo, ipinakikita ng mga mamamayan ng Venezuelan ang pag-ayaw kay Maduro.
Gayunman, nanawagan si Juan Guaido sa ibang mga bansa na gawin ang lahat ng hakbang para tuluyan nang mapatalsik sa puwesto si Maduro.
Matatandaang, dalawa katao ang nasawi at maraming sugatan dahil sa kilos-protesta nang harangan ng mga militar ang kanilang border para hindi makapasok ang mga tulong mula sa ibang bansa.





Comments