top of page
Pokwang.jpg

P8 bilyon utang sa gobyerno, banta ni Duterte | GOODBYE PLDT

Mylene Alfonso
Feb 26, 2019
1 min read

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara nito ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) company kung hindi magbibigay ng panibagong hotline number para sa mga reklamo sa gobyerno.

Sinabi ng pangulo ang kanyang babala sa isinagawang campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan sa Cebu City nitong nakalipas naLinggo.

Ayon sa pangulo, hindi makaya ng 8888 hotline number ang dami ng callers kaya laging busy ang naturang linya.

Kaugnay nito, ibinunyag pa ni Duterte na aabot pasa P8 bilyon ang utang ng PLDT sa gobyerno.

“Og naa moy nakit-an nga corruption, tawga koo pahibaw-a ko sa 8888.

Kin — Bong, padungagi rana’g trunk line. Dili kaya sa present setup.

Sige busy. Ingnang PLDT. Og dili, sila may akong sirhan,” ani Duterte.

“Oo. Tinuod na. ‘Di lang ko gustong manghambog.

Naay utang sa gobyerno eight billion. Sukad pa naniadto. Way presidente nakapaningil. Pagka-presidente nako ana ko,” wika ng pangulo.

Matatandaang, 2016 nang itatag ng pangulo ang complaint hotline na 8888 para sa sumbungan ng publiko sa mga katiwalian sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page