Mga paring sangkot, babala ni Pope Francis | GIYERA KONTRA CHILD ABUSE

NAGDEKLARA ng all out war si Pope Francis laban sa pang-aabusong sekswal ng mga pari.
Sa kanyang pahayag sa harap ng halos 200 lider ng simbahan sa Roma, sinabi ng Santo Papa na palalakasin nila ang guidelines sa pag iwas at pagpataw ng parusa sa mga sangkot sa sexual abuse.
Itataas din sa 14 ang edad sa depinisyon ng Simbahan sa menor-de-edad na masasangkot sa pang-aabuso ng pari tulad ng pornography.
Maglalabas din ang Vatican ng guidebook para matulungan ang mga Obispo sa buong mundo na maunawaan ang kanilang tungkulin.
Magtatatag din ang Vatican ng grupo ng mga eksperto na ipadadala sa mga bansa upang magabayan ang mga opisyal ng Simbahan sa paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso.
Nangako si Pope Francis na walang sasantuhin ang Simbahang-Katolika para mapanagot ang mga mapang-abuso at hindi sila pagtatakpan ngSimbahan.





Comments