Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGKAROON NG ANAK SA TAONG 2020


KATANUNGAN
1. Bago lang akong sumusubaybay sa inyong mga kolum, Maestro,pero nagustuhan ko na ang inyong mga artikulo.
2. Three years na kamin gkasal ng mister ko,pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng baby.
3. Gusto kong magtanong tungkol sa guhit ng aking mga palad, kung nakikita rin ba kung ang mag-asawa ay magkakaanak?
4. Sa tingin ninyo, magkakaanak pa ba kami at kung magkakaanak pa kami, kailan kaya ito mangyayari? Naiinip na kasi kami, gayundin, anong kasarian ng magiging first baby namin, lalaki o babae?
KASAGUTAN
1. Medyo mahirap makitasa guhit ng palad ang tinatawag na Children Line (Drawing A. at B. 1-C, at 2-C) dahil ito ay maliliit na hibla lamang ng mga guhit, pero ganu’n paman, may dalawang dapat tingnan sa guhit ng palad hinggil sa guhit ng anak.
2. Una ay ‘yung pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliit na makikita sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.).
3. Pangalawa ay ‘yung Guhit ng Supling na makikita sa gilid ng palad (1-C, at 2-C). Sa kaso mo, dalawang malulusog na Children Lines (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrowa. at b.) ang nakikita sa kaliwa at kanan mong palad.
4. Ibig sabihin, dalawa ang magiging baby ninyong iyong mister sa malapit na hinaharap. Lalaki ang una dahil makapal at masmahaba ang nasabing Guhit ng Supling (1-Carrow a.) habang posibleng babae ang ikalawa dahil medyo manipis at maikli ang nasabing guhit (2-C arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
5. Ang pag-aanalisang magkaka-baby na kayo sa malapit na hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang “phallic symbol” na ito ay ang tila kudlit sa loob ng letrang “o” kung saan ang “phallic symbol” na ‘yan, kung sa terminong pang-Psychologyang pag-uusapan,‘yan din ang “penis” o kasarian ng lalaki.
6. Kaya nga maipapalagay na ngayon pa langay nasagap na ng unconscious mong isipan opagkatao, ang mabubuong baby sa iyong sinapupunan, ibig sabihin,magsisilang ka ng malusog at matalinong lalaking sanggol na susundan namanng malusog din at cute na babaeng sanggol.
MGA DAPAT GAWIN
Maricel, ayon sa iyong mga datos na kinumpirmang Children Calendar ninyong mag-asawa, humigit-kumulang sa last quarter ngayong 2019, magkakaroon ng sanggol sa iyong sinapupunan, mabubuntis ka upang makalipasang siyam na buwan, isisilang mo na ang malusog na lalaking sanggol na kukumpleto at magbibigay ng dagdag na galak sa inyong mag-asawa na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2020,sa edad mong 33 pataas.
Magandang araw, mga Kabulgar! Available pa rin ang ika-4 na aklat ‘Ang Sikreto ng iyong Kapalaran’ ni Maestro Honorio Ong. Sa mga nais magkaroon ng Book 4, magtungo lang po sa opisina ng Bulgar sa 538 Quezon Avenue, Quezon City ( in front of Sto. Domingo Church) mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 AM-5:00 PM, holiday/Linggo,1:00-5:00 PM. Limited copy lang po. Maraming salamat!




Comments