Kung kailan maituturing na “equitable mortgage” ang isang transaksiyon
- BULGAR

- Feb 26, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung kailan maitututuring na “equitable mortgage” ang isang transaksiyon?— Celeste
Dear Celeste,
Para sa inyong kaalaman, sa ating batas, ang kontrata ng pagbebenta (deed of sale) ay ipinagpapalagay na isang kasunduan para sa isang equitable mortgage kung alinman sa mga sumusunod na nilalaman ng Article 1602 ng New Civil Code (NCC) of the Philippines ay mapatutunayan: “Article 1602. The contract shall be presumed to be an equitable mortgage, in any of the following cases:When the price of a sale with the right to repurchase is usually inadequate;When the vendor remains in possession as lessee or otherwise; When upon or after the expiration of the right to repurchase another instrument extending the period of redemption or granting
When the purchaser retains for himself apart of the purchase price; When the vendor binds himself to pay the taxes on the thing sold; In any other case where it may be fairly inferred that the real intention of the parties is that the transaction shall secure the payment of a debt or the performance of any other obligation.
In any of the foregoing cases,any money, fruits, or other benefit to be received by the vendee as rentor otherwise shall be considered as interest which shall be subject to theusury laws.
”Sa kasong Rockville Excel International Exim Corporation vs. Spouses Oligario Culla and Bernardita Miranda (G.R. No.155718, 2 October 2009, Ponente: Honorable former Associate Justice Arturo D. Brion), napagpasyahan ng Korte Suprema na ang Deed of Absolute Sale na nilagdaan ng mga partido ay maaaring dokumentong may tunay na katauhan ng equitable mortgage sapagkat mayroong bahid ng alinman sa mga nabangit sa Article 1602 ng NCC ang sirkumstansiyang umiikot at nagbunsod sa paggawa ng Deed of Absolute Sale ng mga partido.
Batid ng hukuman na maipagpapalagay na equitable mortgage ang transaksiyon base sa Article 1602 ng NCC kung ang mga sumusunod na intensiyon at pangyayari ay mapatutunayan: “(a) That the parties entered into a contract denominated as a contract of sale and, that their intention was to secure an existing debt by way of a mortgage.
”Nabanggit din ng hukuman na sa pagkakataong mayroong pagdududa sa sitwasyon, maiging maisaisip ang principle of law na nagsasabing: “theleast transmission of rights is highly favored”.
Nabanggit nilang mababatid ito sa sirkumstansiyang nakapaligid o sa kabuuan ng mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglagda ng mga partido sadeed of sale.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan.
Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaringmaiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay.
Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy napagtitiwala.
Kung kayo ay may katanungan o nais ihingi ngpayong legal, sumulat sa MAGTANONG KAYATTORNEY ni Persida Acosta, BULGARBldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o magemailsa attorney.bulgar@gmail.com





Comments