top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 26, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 26, 2019 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ang totoo nga, nakamamangha dahil magagandang kapalaran ang nakalaan para sa iyo.

ARIES (Mar.21-Apr. 19) - Nakabubuti ang pagsunod sa lumang patakaran ng buhay, pero mabagal ang pag-unlad mo rito. Kaya mainam kung makikipagsapalaran ka sa mga makabagong ideya nang sa gayun ay bumilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay - brown. Tips sa lotto-3-9-12-14-37-40.

TAURUS (Apr.20-May 20) - Naaantala ang magaganda mong kapalaran dahil sa iyong pagaalinlangan. Ang kinatatakutan mong kabiguan ay bahagi lang naman ng pagkakaroon mo ng tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-15-20-31-33.

GEMINI (May21- June 20) -Humihina ang katawan kapag kilos ka nang kilos. Kaya ang payong kapalaran para sa iyo ay maghinay-hinay ka lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay green. Tips sa lotto-19-27-30-39-42-45.

C A N C E R(June 21- July22) - Nabuhay kahit namatay na, hindi ito imposible sa mundo ng pag-ibig. Alam mo rin ito dahil nararanasan mo ngayon na ang namatay na pagmamahal ay muling nabuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-23-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit may pinagkakaabalahan ka na maganda ang takbo, gawin mo pa rin ang totoong gusto mo. Huwag kang mag-alala dahil ang totoo, kaya mo ang sabay-sabay na negosyo. Masuwerteng kulay purple. Tips sa lotto-14-15-26-29-40-43.

VIRGO (Aug.23-Sept. 22) -Kumilos kang may partikular na layunin. Huwag kang tumulad sa iba na napakaraming gusto, kaya nabibigo. Kapag nagkakaisa ang isip, puso at damdamin, tiyak na nagtatagumpay ang indibidwal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-27-34-37.

LIBRA (Sept.23-Oct. 22) - Maraming alam ang taong maiksi lang kung magsalita. Sila ang mga nagkukunwaring matalino, pero ang totoo, kulang naman sila sa kaalaman. Ito ang gawin mong batayan sa pagpili ng iyong makakasama, habambuhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-22-28-31-36.

S C O R P I O(Oct. 23-Nov.21) - Huwag mong sisihin ang kapalaran kung bakit humihina ang iyong kita. Natural lang ito para sa mga taong nag nenegosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-30-41-43-46.

SAGITTARIUS(Nov. 22-Dec.21) - Awatin mo ang iyong sarili. Mahirap paniwalaan, pero ang sumasalungat sa kagustuhan mo ay may dalang suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-13-17-32-35.

CAPRICORN(Dec. 22-Jan.19) - Malalakas na kaba ang madarama mo. Sa biglang tingin, ito ay hindi maganda, pero ang totoo, ito ay senyales na ang malalaking suwerte ay darating na sa buhay mo. Masuwerteng kulay violet.Tips sa lotto-15-18-25-28-35-38.

AQUARIUS(Jan. 20-Feb.18) - Itinatago mo ang lungkot sa pagkukunwaring ikaw ay masaya. Kapag nanatiling nakatago ang iyong lungkot, wala ka ng magagawa kundi ang maghanap ng bagong mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-37-41-45.

PISCES (Feb.19-Mar. 20) - Parang sumisikip ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Huwag mong kalimutang itanim sa iyong puso’t isipan na ang makitid na daan ay patungo sa tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay - red. Tips sa lotto-2-17-25-27-34-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page