top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

CRIMINOLOGY STUDENT TIKLO SA DROGA

  • V.  Reyes
  • Feb 26, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang mag-ama makaraang madakip sa operasyon kontra iligal na droga sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District ang mag-ama na si Romel Lavadia, 46, at ang kanyang anak na si Romel John Lavadia alyas Bojay, 21.

Kasama ring nadakip ang Criminology student na si Gian Christopher Nortega, 20, at tatlo pang kabataan.

Una nang ikinasa ng QCPD Station 6 ang buy bust operation sa nasabing barangay alas-2:00 ng Lunes ng madaling-araw kung saan nabili umano ng poseur-buyer mula kay alyas Bojay ang hinihinalang marijuana sa halagang P100.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang ideklara ng pulisya ang pagdampot sa kanila.

Nasamsam mula sa mga ito ang tatlong sachets ng umano’y marijuana, ilang drug paraphernalias at buy bust money.

Maliban sa anim na inaresto sa Bgy. Holy Spirit,may 13 pang drug suspectsna natimbog sa magkakahiwalay na operasyon ngQCPD.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page