BUMBERO PUMALAG SA WARRANT, TODAS

ISANG 49-anyos na bumbero ang nasawi makaraang manlaban sa mga pulis na maghahain ng search warrant sa kanyang bahay sa Pikit, North Cotabato, kahapon.
Kinilala ang suspek na si Senior Fire Officer 2 Guiapal Palaman Macainas, residente ng Bgy. Poblacion, na sinasabing nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, alas-2:45 ng madaling-araw nang isagawa ang operasyon ng pulisya subalit, hindi pa umano nakalalapit sa bahay ng suspek ay pinaputukan na umano nito ang mga operatiba.
Nakatakda sanang isilbi ang search warrant sa kasong illegal possession of firearms kay Macainas na inilabas ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan, North Cotabato.
Giit ni Rasco, napilitan lamang na gumanti ang pulisya nang sila’y pagbabarilin ng suspek gamit ang .45 baril.
Nakuha mula sa posesyon ng napatay na bumbero ang kanyang baril na .45 pistola at mga amunisyon at bahagi ng matataas na kalibre ngbaril tulad ng .9mm pistol; M16 rifle at M14 rifle.





Comments