top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 DEDO SA SEPTIC TANK

Jeff Tumbado
Feb 26, 2019
1 min read

PATAY ang dalawang obrero matapos mahulog at malunod sa septic tank ng isang establisimyento sa Lungsod ng Tuguegarao kamakalawa.

Wala ng buhay nang maiahon ng rescue unit ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima na nakilalang sina Paul Rebato at Vincent Bernales.

Batay sa imbestigasyon, pasado alas-8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente habang naglilinis ang dalawang biktima sa loob ng septic tank.

Una na umanong nakaahon mula sa septic tank si Bernales matapos ang kanilang paglilinis nang biglang bumuhos ang malaking volume ng tubig mula sa adjacent wall ng gusali at inagos si Rebato na sumusunod nang paahon.

Sa pagtatangkang sagipin ang kasamahan na nalulunod, nahulog pabalik sa septic tank si Bernales at maging ang sarili ay hindi na nagawang mailigtas dahil sa sobrang lakas ng daloy ng tubig na bumubuhos at pumupuno sa loob ng septic tank na umabot ng anim na talampakan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page