ZAMBOANGA AT VALENZUELA LUMALAKAS SA MPBL DATU CUP


ANG pagbabalik ng Zamboanga sa laro ay naging napakalakas para sa local fans na nagpapuno sa Vitaliano Agan Coliseum sa bayan na ito sa pagpapatuloy ng MPBL Datu Cup.
Hindi nadismaya ang mga Zamboangueños dahil nagawang makaiskor ng MPBL squad ng 72-63 laban sa Bacoor Strikes at pinag-ibayo nila ang pag-asa para sa playoff campaign.
Tumapos si Allan Santos ng 16 puntos uang pamunuan ang Zamboanga na umibayo sa win-loss record na 11-12 at sumampa sa 6th spot ng southern division ng torneo. Nasagap ng Bacoor ang ikalawang diretsong pgkatalo at lagpak sa 11-11 card, pero nanatiling nasa 5th spot ng southern division. “We were happy with the turnout and the warm welcome received from our Zamboangueno fans,” ayon kay team owner Anita Kaw.
Humabol sina Joseph Nalos, Reed Juntilla at Von Lanete sa 8-0 run sa third period para bigyan ang Zamboanga ng malaking kalamangan, 52-39 pagpasok ng tatlo at kalahating minuto. (MC)





Comments