Vendor tiklo sa 3 boga
CAGAYAN—Isang vendor ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril, kamakalawa sa Bgy. Nabaccayan, Gattaran sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Cesar Ramos, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Ramos at dito nakumpiska ang tatlong baril at mga bala.
Nakapiit na si Ramos na nahaharap sa kasong 3 counts ng illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments