Utol ni Megan, nagpakatotoo lang… LAUREN, WALANG ILUSYONG MAGING MARIAN


TANGGAP na ni Lauren Young na pangkontrabida talaga ang kanyang image bilang artista. Simula’t sapul na nasama siya sa mga serye ng GMA-7 ay character role ang napupunta sa kanya. At maluwag na tinanggap niya ang lahat.
Hindi naman siya kailanman nag-ilusyon na magiging bida sa serye tulad nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, Megan Young, Heart Evangelista, Yasmien Kurdi, Barbie Forteza, atbp..
At least, mas may challenge ang pagiging kontrabida, although mas nakakapagod at kailangang malakas ang character niya.
Inihahanda na ni Lauren ang sarili sa mga panlalait at pamba-bash sa kanya ng mga netizens kapag napanood ang kanyang role sa Hiram na Anak. Grabe ang eksena nila ni Empress Schuck sa serye. Grateful si Lauren sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. At dahil iba-iba ang artistang nakakatrabaho niya, marami siyang natutunang technique sa pag-arte.
Pinasasalamatan din ni Lauren si Direk Gil Tejada, Jr. sa tiwala nito sa kanya.





Comments