top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tupa, Aso, Daga, Dragon, Tigre, Tandang, Kabayo at Unggoy... MGA ANIMAL SIGN NA KATUGMA NG MGA IPINA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 2 min read

SA 12 animal signs na naglakbay patungo sa palasyo ni Lord Buddha, sinasabing ang Kuneho ang may pinakamahabang buhay. Karaniwan ng na­bubuhay nang kampante, payapa at matagal ang mga taong isinilang sa Year of the Rabbit. Ayaw nila ng gulo, kaya naman sila ang pinakatahimik na animal kung saan wala silang kibo at bihira silang umangal. Dahil sa pag-uugali nilang ito, may pag­katahimik at mabait, palagi silang hinahandugan ng langit ng suwerte at magagandang kapalaran.

Ang mga Rabbit ay may likas ding hilig sa sining at pangongolekta ng kung anu-ano tulad ng mga antigo o lumang bagay. Sensitibo at mataas ang panlasa nila sa arts o sining. Kaya naman ang mga negosyong may kaugnayan sa pangongolekta ng mga bagay ay angkop na angkop sa Kuneho, gayundin, ang trading o buy and sell.

Kung saan dahil sobrang husay mag-alok ng mga Rabbit, kapag nabenta­han ka niya ng bagay, huli na, bago mo matuklasan na ‘yun palang bagay na binili mo sa Kuneho ay hindi mo naman pala kailangan.

Marami rin siyang mga nagi­ging kaibigan at ito ay ginagawa niya dahil batid niyang ang mga kaibigan ay pu­puwede niyang gamitin, pakina­bangan at pagkakitaan.

Kaya naman, karamihan sa mga Kuneho ay hindi lang mahusay sa negosyo, bagkus, sila rin ay talaga namang umuunlad at yumayaman.

Ang Rabbit ay sadyang matalino, kaakit-akit at nararamdaman niya ang damdamin ng kanyang kapwa. Subalit, sila rin ay sobrang tuso, walang pakialam at lu­malayo sa mundo kapag alam nilang sa lipunang kani­lang ginagalawan ay hindi na siya nakikinabang.

Kapag naubusan ng pera, nasimot ang kabuyahan at nilayuan ng mga kaibigan, hindi mo naman basta-basta masasadlak sa kalungkutan ang Rabbit dahil batid nila kung paano mangarap, mag-isip ng mga bagay na posi­tibo at magaganda.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing may pagka-sensual at maramdamin ang mga Rabbit. Kaya bago pumasok sa pakikipagrelasyon, sinisigurado muna ng Rabbit na masasarapan at masisihayan siya dahil para sa kanya ‘yun ang katumbas ng salitang pag-ibig kung saan ito ay may kaugnayan sa body pleasure and sensual activities.

May mga sandali ring ang Rabbit ay pabagu-bago ng isipan at damdamin, kaya naman kapag nakipagrelas­­yon sila ay hindi gaanong stable ang kanilang emos­yon. Sa panahon na nakiki­pag­de­bate o nakiki­pag­talo sa kanyang mi­namahal, hindi ipipilit ng Rab­bit ang kanyang per­sonal na katuwiran, sa halip, itata­go niya ang kanyang totoong na­raramdaman at aakalain mong parang su­masangayon siya, pero sa to­too lang ay hindi naman pala.

Sa kabilang banda, ang mga Rabbit ay tunay na mapagmahal, kahanga-hanga at may pagkaromantiko. Sinisiguro rin niyang palagi niyang na­ibibigay nang ma­ayos ang pangangailangan ng kanyang mga minamahal at ng kanyang pamilya.

Tugma at suwetung-suweto rin sa Kuneho ang Tupa o Kambing kung saan kapwa sila mapagmahal, ma­pagkalinga at malambing.

Magiging maligaya rin ang Kuneho sa piling ng Aso o kaya ng Baboy at ang ganitong ugnayan ay siguradong uunlad, yayaman at magtatagal.

Ang Kuneho at Ahas ay sadyang compatible rin sa isa’t isa, gayundin ang Daga, Dragon at Baka.

Hindi naman ka-compatible ng Rabbit ang mabangis na Tigre, ang nanunuklaw na Tandang, gayundin, ang mabilis tumakbong Kabayo at ang kumerkerong Unggoy.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page