Shabu sa rubber shoes, buking | BASKETBALL COACH, TULAK


ARESTADO ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Iloilo.
Target ng operasyon ang 55-anyos na basketball coach sa ilang paaralan sa bayan.
Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ng droga ang suspek.
Hanggang sa magpositibo umano ang suspek sa buy-bust operation matapos bumili ang isang operatiba ng pakete ng hinihinalang shabu mula sa kanya.
Nang inspeksiyunin ang gamit ng lalaki, nadiskubre ang anim pang pakete ng shabu sa loob ng kanyang rubber shoes.
Samantala, tumanggi naman ang suspek na nagtutulak siya ng droga bagama’t, aminadong dati siyang gumagamit nito. (BRT)





Comments