Minsan kahit gaano pa ito katotoo, kailangan din nating magpreno... MGA SALITANG DEHINS DAPAT SINAS
- Jersey Sanchez
- Feb 25, 2019
- 2 min read

SHOUTOUT sa mga beshy natin diyan na walang ibang ginawa kundi ang magbigay ng advice sa mga BFF nilang broken-hearted. Ooops! Bagama’t, ikaw ang tinatakbuhan ng isa o ilan mong kaibigan sa tuwing malungkot sila, minsan ay hindi mo napapansin na may nasasabi ka ring mga bagay na imbes na makatulong, eh, nakasasakit na pala. Kaya mga beshy, narito ang anim na phrases na dapat ninyong iwasan kapag pinapayuhan ang inyong BFF:
1. “I KNOW HOW YOU FEEL”. Siguradong lahat tayo ay nakaranas na ng break-up, pero mga beshy, iwasang sabihin ito sa inyong BFF na broken- hearted. ‘Ika nga nila, maaaring alam natin ang ilang parte ng kanilang istorya, pero hindi natin alam ang bawat detalye nito. Gayunman, parehas man kayong nasaktan, siguradong magkaiba ang inyong pinagdaanan.
2. “GET OVER IT”. Siyempre, hindi pa nakamu-move on si besh kaya hindi maiiwasang mabanggit niya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ex na kung minsan, eh, nakaiirita na. Mga besh, nakati-trigger man, mabuti pa rin kung dehins sasabihin ang mga salitang ito dahil lalong masasaktan ang inyong BFF. Kaunting tiyaga lang, besh, dahil makamu-move on din siya. He-he-he!
3. “THERE’S MORE FISH IN THE SEA”. Paborito itong linya ng mga taong gustong makalimot kaagad dahil marami pang oportunidad para makakilala ng tao na mas better. True naman ‘yun, pero mas okay kung dadamayan mo siya sa pagiging broken hanggang sa tuluyan na siyang maging handa na makipagkilala sa iba. For sure, mas maa-appreciate niya ‘yun.
4. “I NEVER LIKED THEM ANYWAY”. Siguradong may mga pagkakataong hindi natin gusto ang partner ng ating BFF dahil sa kanyang ugali o pamamaraan ng pakikipag-usap. Ngunit, nagtapos man ang kanilang relasyon, dehins dahilan ‘yun para sabihin ang mga salitang ito. Kung tatanungin ka niya tungkol sa impresyon mo sa kanyang ex ay saka mo lang ibahagi ang iyong gustong sabihin, pero mas mabuting maging neutral para chill lang. Copy?
5. “YOU DIDN’T EVEN DATE THAT LONG”. Kung hindi gaanong nagtagal ang kanilang relasyon, hindi pa rin oks na gawing basehan ang tagal ng kanilang pinagsamahan para ma-invalidate ang kanyang nararamdaman. Again, hindi natin alam ang lahat ng pinagdaanan nila nu’ng sila pa. Okie?
6. “I SAW YOUR EX WITH SOMEONE NEW”. Kahit sinuman na kagagaling lang sa break-up, eh, ito ang pinakaayaw nilang marinig, mula man ito sa kaibigan o hindi. Kung nakita mo ang ex niya na may kasamang iba, mabuting huwag mo muna itong sabihin sa kanya dahil for sure, masasaktan lang siya kapag nalaman niyang naka-move on na ang kanyang ex, pero siya ay nasasaktan pa rin.
Dehins naman masamang maging totoo sa mga nais nating sabihin sa mga kaibigan natin na nangangailangan ng advice. Pero mga besh, hinay-hinay lang sa mga salitang bibitawan nang sa gayun ay hindi sila ma-depressed. Copy?





Comments