top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mark my word, naglasing pa gabi-gabi… POLITICIAN-TURNED ACTOR, BINUSOG SA IMPORTED AT BRANDED NA RE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

Paghanga lang ang naramdaman dati ng politician-turned actor sa isang sikat na aktres-TV host. Sobra siyang na-impressed sa lakas ng karisma at personalidad nito na super-sikat noon, kaya na-in love siya at nanligaw sa girl.

Sobra siyang galante sa aktres-TV host dahil kapag bumibiyahe abroad si politician-turned actor ay ilang balikbayan boxes ng branded shoes and bags ang kanyang ipinasasalubong sa kanyang ladylove.

Super sweet at panay naman ang pa-cute ng aktres-TV host sa politician na anak ng sikat na aktor-pulitiko. Kaya, asang-asa ang politician-actor na gusto rin siya ng aktres-TV host.

Pero, hindi niya akalain na babastedin lang siya at pinaasa sa wala. May ibang guy na type si aktres-TV host. Matagal na dinam­dam at iniyakan ng guy ang kabiguan sa pag-ibig. Halos gabi-gabi itong naglalasing upang makalimot.

Pero, ang naging konsuwelo na lang ng politician-actor, nanalo siyang muli sa puwesto dahil sumikat siya nang ma-link sa aktres-TV host.

Happily married na ngayon si politician-actor, pero ang aktres-TV host na nag­paasa sa kanya, eh, ngangey pa rin!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page